EMAIL EXCHANGES WITH A NEW ACQUAINTANCE
Brethren:
The following exchanges of email with a new acquaintance started with the impending appearance of Virgilio Garcilliano to the public scene. The starting email is no longer included but from the reply itself, the reader can well guess what the gist of the topic was all about.
The aging lion apologizes to those who are not conversant with dialect as no translation is being appended. Suffice it to say that he deemed it proper to present the exchanges as is to preserve its originality and also to refresh his almost-dormant use of the local dialect in time to for his projected visit to his grandchildren.
The aging lion also hereby declares a recess tinkering with the computer keys to be resumed only one day before the year officially ends.
Happy reading
Jun.
Dong:
What else can the nation derive from Garci?
GMA has already said “She’s sorry” and beyond that there is no way she will vacate Malacanang except if someone is able to lodge a bullet right between her eyes. But then that would be assassination and only an unseen hand from the Presidential Guard Battalion can do that and save the country from the rut that it is in right now.
And Garci, if his lawyers are allowed , would even want the nation to sing “Hossana” before he submits himself to public scrutiny.
Tell you what? Only the press will benefit from this charade and nobody else. And the nation? Well, at least it has a soap opera to watch and two midgets, one male and the other female, smirks behind contentedly although last June both were acting quite nervously!
Jun Galarosa
Jun:
Sala'am at salamat sa iyong kuro-kuro. Andap ang major networks na gumawa ng teleserye batay sa "Hello, Garci" kahit talagang makatas at kagimbal-gimbal ang mga mahihiwatigang pihit ng pangyayari sa usapan ng dalawang pandak at iba pang tauhan.
Totoong kami lang sa media ang makikinabang sakaling kumanta na naman si Garci. Pero talagang bantad na rin kaming nasa news desk sa mga pakulo ng mga kampon ng Malacañang-- iyon at iyon ding lumang tugtugin ang maririnig.
Huwag naman sanang marahas na pagpalit-Pangulo ang maganap--- mas nanghihinawa na ako sa karahasan. Matagal na rin akong combat fatigue. I wish to God all of 'em tyrants and their minions just die laughing.
They've been laughing all the way to the bank and not one had a case of lockjaw.
Muli, sala'am at salamat po!
DONG A.D.
Dong:
Pasensiya ka na kung makakatanggap ka ng mga pabuntot. Pero sana huwag mong mamasamain, sa ngayon, ang kalahati ng palimbagan na lang ang pwedeng kilingan ng mamamayan, ang nalalabing kalahati ay wala ka na ring maaasahan. Suhulan na rin sila. O, baka hindi mo rin alam?!
Medyo malayo nang masyado ang nasa isip mo. Pagpapalit na ng pangulo. Ako, hindi! Ang tanging panalangin ko ay sana kalbuhin si GMA ng Panginoon, at sabihing : Oy, pandak! Binigyan kita ng pagkakataon na maging huwaran ng bayan mo sa mundo. At ano na nga ba itong ginagawa mo (hindi ikaw Dong, kundi si GMA) ?!
Pero talagang may kabigatan yang propesyong palimbagan. Mas mabigat pa yan sa adhikain ng makakaliwa dahil mas maraming mamamayan ang nasasaklaw ng lipad ng utak ninyo, na pagka itinuon ninyo sa masamang paraan ay lalong magbubulid sa ikakapariwara ng sambayanang Pilipino.
If you can get something out of this pesos’ piece of advice (the centavo, even in this far-off place is not worth anything anymore) just say your piece on the editorial board. And tell the others exactly what and how feel. It might console you to note that there are more who die from sickness because of abundance of food than the want of it. Simply stated, hunger and famine are not the worst of maladies, but enjoying more of life recklessly especially if the money that you use came from dishonest sources.
And the last word, God, in His Infinite Wisdom, will have a viable solution to all these!
jungalarosa
P. S.
Henceforth other recipients of similar mails coming from this email address will no longer be mentioned to preserve their anonymity. They are of course welcome to send in their own rejoinders to the undersigned’s reactions if need be.
P'reng Jun:
Labis kong ikinagagalak ang mga pabuntot, 'yung tinatawag nilang pahuling kabit. May nadaragdag sa aking pananaw. Aaminin kong hindi gaanong malawak ang masasaklaw ng aking pananaw.
Tama ka pa rin sa binanggit mo na kalahati na lang sa mga kabilang sa aming hanay ang mapagkakatiwalaan. I'll live by Mohandas K. Gandhi's two-bit counsel: "Be the change you want in the world."
Isa sa mga paborito kong kabungguan ng bote ang patuloy na naghahagilap ng dagdag na trabaho para sa akin-- spin doctor. Wala pa ring mahagilap na sa kanyang palagay ay akma sa kanyang nadarama mula sa aking gawi at ikinikilos. Binanggit na kailangan ni Eduardo Ermita ng ganoong alalay. Spin doctor. Para sumalag na mahusay sa santambak na ibinabalibag sa kanyang mga panginoon sa Palasyo.
Tiniyak sa akin ng kabungguang-bote na hindi ko maiibigan ang gawain kahit maganda ang bayad. Pero hindi naman talaga kami naghihirap para magdagdag ng sakit ng kukote. Kaya pa ring uminom at makapagbayad ng 3-4 bote matapos ang pakikipagbuno sa mga kuwentong ilalaman sa diyaryo.
Dalawa na ang kulay ng buhok ko-- may halo nang abo. Pero mas marami yata akong reporters na naunang lumusong sa libingan-- tama ka na naman sa nabanggit mo. Nakaugnay sa maluhong pamumuhay ang mga karamdamang umutas sa kanila. Masakit ding aminin na mas marami sa kanila ang nasilaw sa Mammon, talagang maraming pusong Mammon.
Hindi man ako Muslim, bumabakas pa rin ako sa kanilang pag-aayuno tuwing Ramadhan. May ilang dasal-Islam akong alam na hindi mabibigkas kung hindi hindi mag-aayuno ng, halimbawa'y 3 araw. Hindi rin ako Katoliko pero salimpusa pa rin ako sa Lenten fast, na 'yung talagang Catolico verdadero (hindi cerrado) lang yata ang gumagawa. Kaya siguro maganda pa ang muscle tone ng aking katawan at wala pa ring hindi magandang nararamdaman sa kalooban.
Payak lang ang aming pamumuhay ng aking mag-anak. Medyo matayog lang yata ang ilandang ng aming utak. At pagkain sa isipan ang mga paliwanag na mula sa ganitong pakikipagtalastasan.
Sala'am at salamat po muli!
DONG A. D.
P’reng Dong:
Merong isang lumang akda akong nadaanan na may titulong “The Yogi and the Commissar” na isinulat ng isang Arthur Koestler (1905-83) na hanggang nayon ay hindi ko pa makita ang buong akda ngunit ang buod ay nagsasabi sa ingles na:
“there are two psychological types: the ‘Commissar’ who believes that the world is changed by influencing others, and the “Yogi’ that to change the world one must first change himself.”
Sa dalawang sistemang nabanggit sa itaas, hindi mahirap arukin na sa ngayon ikaw ay isang Commissar na may kapangyarihang makahikayat sa pananaw ng iba sa pamamagitan ng iyong pluma, samantalang ang iyong abang lingkod ay isa na lamang retiradong Yogi na kahit ang kanyang kombinasyong tagapagalaga-nanay-lola-at-asawa na kasama-sama niya sa bahay ay siya pa ang nakakapag-impluwensiya sa kanya.
Isa rin sa mga idolo ko si Mahatma Gandhi. Nabasa ko minsan na matatawag na disipulo rin siya ni Hesukristo, yon nga lang, gaya ng ibang sekta ng Kristiyano, hindi rin siya naniniwala na si Hesus ay Diyos lalo na’t siya’y Hindu..
Hindi dapat pag-aksayahan ng panahon ang pagputi ng buhok dahil dalawang posibilidad lang naman ang kahihinatnan niyan; kung hindi pumuti ay mahulog sa lupa. Mga sitenta porsyento na rin ang puting buhok sa ulo ko, pero hindi ako nag-aalala, total sisenta y singko anos na ako. O, di halos patas lang kung porsyento lang naman ang pag-uusapan. Sabi nga ng barbero minsan, “Sir, itina’ natin!” Sagot ko naman, “Sigi, gawin mo na puti na lahat, para mas maganda.” (Idolo kasi si Ill. Rey Banaag, ah!) Biglang umaskad ang mukha. Mabuti nga hindi ginupit nga tenga ko.
Bagong talata yang nabanggit mong “spin doctor.” Kung ang ibig sabihin niyan ay aplohista, ay medyo masalimuot na gawain iyan na ang mga klase ni Toting Bunyi at ni Mike Defensor ang matatawag nating eksperto na kayang-kaya nilang gampanan.. Pero dapat malaki ang kikitain at magagawang gawin na maluwag sa kalooban!!
Mahirap ipaliwanag kung ano ang relihiyon ng iyong abang lingkod.Naghalo-halo na ang mga doktrina ng halos lahat ng mga relihiyon sa kukote niya at natanto niya na kung susuriin mo ng husto ay halos wala namang seryosong pagkakaiba Pero ang kanyang tagapag-alaga ay saradong katoliko na nakakandado pa at talagang aktibo sa simbahan at mahilig mag-rosaryo. Katatapos nga lang ng grupo niya ang pagpapalit ng bubong ng simbahan na nagkahalaga ng mahigit na isang milyon na nakalap nila sa pamamagitan ng donasyon. Malimit na mabanggit ko nga sa kanya na malamang hindi kami magkikita doon sa ibayo dahil ako, medyo mabawasan lang ang init sa balat ko pag andoon na ako sa kabila ay kuntento na ako.
At sanay na rin siyang magigising ng hating gabi na nakikita niya akong nakaupo sa tabi niya sa kama na halos hindi kumikilos at akala niya walang ginagawa. Minsan nagtanong siya kung bakit at ang sagot ko naman ay walang interruption ang linya papunta sa itaas pag hatinggabi. Hindi na siya nagtanong uli.
Sa ngayon ay halos wala na akong ginagawa. Kung ano man ang pinagkakaabalahan naming mag-asawa dito sa liblib na lugar na ito ay ang aking tagapag-alaga na lang ang talagang aktibo, ang iyong abang lingkod ay tagapayo na lamang sa kanya.
Ipagpaumanhin mo pala kung wala kang matanggap na reaksyon sa mga susunod na araw. May pupuntahan kami simula bukas at pansamantala ay mawawalan ako ng computer sa harap ko. Ibig sabihin nito ay hindi ako makakapadala ng kahit kaunti man lang talata ng mga apat na linggo. Pero sisikapin ko pa ring makakita ng kapihan ng Internet para makasagot ng mga madaliang sulat kung talagang kinakailangan.
Maraming salamat din sa kuru-kurong ipinapadala mo. Kahit sa takip-silim ng buhay, ay meron pa ring magagandang bagay na natatanaw.
P’reng jun


0 Comments:
Post a Comment
<< Home